December 14, 2024

Ang matinding init ay banta sa edukasyon at kalusugan ng mga mag-aaral. Alternatibong solusyon ang binalangkas, subalit ito ay di naging sapat upang matugunan at masolusyonan ang problemang ito.

Ang Alternative Delivery Mode o ADM ay isang alternatibong paraan na pag-aral sa bahay para sa pansariling pagkatuto na maaaring sa paraang modular learning, online learning at tv or radio based learning. Nasubukan na ito noong pandemic, mahirap, mali ang pagkatuto. Ayoko ng balikan ito.

Panoorin: Mga Alternative Delivery Modalities (ADM) na sinusulong ng DepEd

Dalawang problema ang dapat solusyonan dito. Una, labis na init at ang paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Isa lang ang nakikitang kong solusyon, ang pagbabalik ng dating school calendar upang maitapat ang pinakamainit na panahon sa summer break. Sa ganitong paraan ay hindi na kailangan problemahin ang init sa loob ng paaralan maging ang dapat gawin upang ito’y masolusyonan.

Ang pinaagang pagtatapos ngayong taong panuruan 2023-2024 ay isang magandang hakbangin ng DepEd upang maibalik sa dati ang school calendar, isang mabisang paraan upang lalo at higit na matuto ang mga mag-aaral; at pagkakaroon ng quality education sa sususnod na mga panahon. 

Basahin: DepEd: Gradual return to old school calendar starting SY 2024-2025

Face-to-face classes ang sa akin ay pinakaepektibong paraan ng pagkatuto ng mag-aaral, ang pagkakansela ng klase sa panahon ng tag-init ay naapekto sa pagkatuto. Maging ang ilang mambabatas ay kasama ko sa kampanya na ibalik ang dating school calendar, pinakamabisang solusyon sa epekto ng panahon sa edukasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *